Biyernes, Setyembre 6, 2013

"Isko"


         Ang Pag-aaral ay mahalaga yan ang ating kayamanan. Minsan kahit na ano pa man ang kahalagahan ng pag-aaral ito padin ay naisasantabi ng marami. Minsan ding mas pinipili na lamang nila ang magtrabaho upang magkaroon ng kita at kahit na anong trabaho ay pinapasok nila dahil na rin sa laganap na kahirapan. Minsan di namang nalilimutan ng mga kabataan ang kahalagahan nito kaya naman isinasawalang bahala nalang.

         Maraming Pilipino ang walang kakayanan na makapag-aral lalo na kung usapang kolehiyo na. Minsan tama na ang High School o Elementarya . Marami din na dahil sa kagustuhan na makapag-aral ay pumapasok bilang isang " Scholar ".

          Masarap isipin na naging scholar ka. Hindi dahil sa wala kang binabayaran kundi dahil alam mo na nagsusumikap kang makapagtapos ng pag-aaal. Hindi biro ang pagiging isang " Isko" kailangan mong panatilihing mataas ang mga grades mo dahil baka mawala ito sayo. Kailangan sundin mo ang mga panuntunan at maging positibo sa iyong paaralan na kinabibilangan.

          Masarap sa pakiramdam ang maging isang scholar. Bakit ? dahil sa bukod sa pagiging proud mo na isa ka sa mga scholar ay makatutulong ka para sa iyong kinabukasan oo mahirap, ngunit masaya lalo na kung ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo. Lalo na kung makikita mo na ang resulta 'ng mga pinaghirapan mo napakasaya.

          Hindi lahat ng Scholar ay matatalino o yung tipong nerd na. May mga scholar din na hindi man matatalino ay matitiyaga at masisikap naman sabi nga daig ng masipag ang matalino kung matalino nga tamad naman wala ding patutunguhan.

          Minsan pa nga nalilimutan na ng mga yan na kumain sa takdang oras para lang matapos nila ang mga gawain upang makapasa at makakuha ng magandang grades. Minsan ding hindi na sila natutulog pagdating ng exam dahil takot sila na baka bumaba ang grades nila at matanggal ang scholarship nila. Minsan ding umiiyak nalang sila dahil sa dami ng ginagawa ay nawawalan na sila ng pag-asa. Minsan ding halos hindi na sila makahinga sa kaba lalo na kapag presentation na dahil baka hindi magustuhan ng guro ang ginawa nila.

          Lagi lang nating iisipin na lahat ng ginagawa natin ay para sa atin at sa ating pamilya. Ano mang problema ang dumating huwag mong hayaang sumuko ka nalang. Kakayanin mo hanggang sa matapos mo ito.
       


(  News Structure: News Feature )
         
       

Labanan ng PBA Governor's Cup sa MOA Arena.


          Pagalingan ng magkakapantay na standing ang paglalabanan ngayon ng apat na koponan ang sasalang sa MOA Arena sa pagpapatuloy ng PBA Governor's Cup. Ang Meralco Bolts, Rain or Shine Elasto Painters, Talk N' Text tropang Texters, at Alaska aces.

         Ganap na Alas-5:15 ng hapon ang tapatan ng Meralco Bolts na hahabulin ang ikatlong sunod na panalo laban sa Rain or Shine Elasto painters na mayroong back to back win. Ganap na 7:30 naman ang tapatan ng Talk N' Text Tropang Texters at Alaska Aces.

         Noong nakaraang laban ng Bolts laban sa Alaska ay nakakuha ito ng iskor na 84-74 na kanilang ikatlong panalo sa Limang laro.

         Si Mario West ng Bolts ay gumawa ng 32 points sa kanilang huling salang laban sa RoS import na si Arizon Reid na gumawa ng 39 Markers sa huling laro.

         Natalo naman ang Alaska sa kanilang huling laro. Ang TNT ay nakakuha ng 102-95 win sa Global Port Batang Pier may limang araw na ang nakalipas.

( news structure : Straight News )

Testigo laban kay Napoles lumantad

           
      Ika-lima ng Setyembre 2013 lumantad ang daIawang testigo ng 10 biIIion Pork BarreI Scam. Ibinigay ng mga ito sa NBI ang Iimang notebooks  na mayroong iba't -ibang kuIay. Ito ay nagIaIaman ng mga ebidensya at mga impormasyon tungkoI sa mga transaksyon ng JLN Corporation na pagmamay-ari ni Janet-Lim Napoles.
       Ang nasabing notebook ay nagIalaman ng transaksyon ni NapoIes simuIa 2012 hanggang 2013. NagpakiIaIa ang mga nasabing testigo na nagtatrabaho siIa kay NapoIes biIang Presidente ng NGO's hanggang sa naaresto si NapoIes ng Makati City Court.
       MaaIaIang noong nakaraang Iinggo ay sumuko na si NapoIes sa PanguIo. kasaIukuyan namang nasa iIaIim ng pangangaIaga ng PuIisya si NapoIes sa  probinsya ng Laguna. PinapIano naman ng NBI na kasuhan siya ng PIunder dahiI sa pagIaIagay ng P10 biIIion gaIing sa PDAF ( Priority Development Fund ) sa kanyang bank accounts sa bogus nongovernment Organization ( NGO's ).


( News Structure: Straight News )